W E L C O M E ! !

W E L C O M E T O M Y B L O G ! !
Feel free to post your text here.
-Thanks. =))))

Miyerkules, Nobyembre 16, 2011

Ang inimbento kong tula noong oras ng aming vacant :))))))

"IWAN"
By: Anjanette Morales
Hindi sa lahat ng oras nandyan ka,
pero nagkakamali ako, ika'y laging wala.
Sa una, ika'y napakabait,
Pero sa huli, ako'y pinagkait.

Naaalala ko ang dati,
Noong tayo'y magkasama lagi.
Lagi kitang iniisip,
Kapag ika'y wala sa 'king lirip.

Lagi kitang nakikita sa paaralan,
Kaya labis din ang aking kasiyahan.
Masaya lagi ang aking araw,
Dahil ikaw ang aking natatanaw.

Pero bakit aabot tayo sa ganto,
Na iiwanan mo na ako sa mundong ito.
Iisa lang ang masasabi ko sayo sinta,
Mahal kita wala nang iba.


Hindi naman siya kagandahan. Pero maganda ang kanyang mensahe. Kahit hanapin niyo pa ito sa internet, siguradong wala kayong mahahanap na ganitong tula. :))))))

Ang Tulang "Ikaw"


Sa aking puso, ikaw lang ang nag-iisa,
Pangako, wala nang iba.
Ang mukha mo palagi sa aking isipan,
Matibay talaga ang ating pag-mamahalan.

Palaging binabanggit ng puso
Ang unang pangalan ko dugtong sa apelyido mo.
Ika-dalawampu't siyam ng Pebrero naging tayo,
Hanggang magpakailanpaman ikaw ang aking mundo.

Labis ang kasiyahan na tawagin kitang akin,
Mahirap ipaliwanag ang nasa aking damdamin.
Sa buhay ko ikaw ay katangi-tangi,
Dinadasal ko sa Panginoon na ikaw ay mananatili.

Ang ideya mo, sa aking puso ay makalaktaw,
Mga paruparo sa tiyan ko gabi at araw.
Ang sakit na binibigay ng iba, mapapaalis mo,
Salamat sa pagiging bahagi ng buhay ko.

Sisiguraduin kong hindi kita paiiyakin o sasaktan,
Di parati ang lalakeng tulad mo ay aking matatagpuan.
Pagmawala ka sa akin, yan ay di ko makakaya,
Mamahalin kita palagi ng lubos, ito ang aking sumpa.